December 05, 2024

Home BALITA National

PBBM sa pahayag ni FPRRD hinggil sa ICC: ‘If ‘yun ang gusto niya, hindi kami haharang!’

PBBM sa pahayag ni FPRRD hinggil sa ICC: ‘If ‘yun ang gusto niya, hindi kami haharang!’
MULA SA KALIWA: Pres. Bongbong Marcos at Ex-Pres. Rodrigo Duterte (file photo)

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi sila haharang kung nanaisin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ng International Criminal Court (ICC) ang madugong giyera kontra droga ng administrasyon nito sa bansa.

Sa isang panayam nitong Huwebes, Nobyembre 14, sinegundahan ni Marcos ang naging pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi nila pipigilan ang inisyatibo ni Duterte na isulong ang kaniyang sarili sa ICC, at handa raw silang makipag-ugnayan sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) kapag naglabas na ito ng red notice para sa dating pangulo. 

MAKI-BALITA: Malacañang, handang makipag-ugnayan sa INTERPOL 'pag naglabas ng red notice kay FPRRD

"As the comment of the Executive Secretary, the former chief justice, if iyon ang gugustuhin ni PRRD, eh hindi naman kami haharang sa mga ICC. Hindi lang kami tutulong,” ani Marcos.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

“Ngunit kung pumapayag siya na makipag-usap siya o magpa-imbestiga siya sa ICC, eh nasa kaniya 'yon. Wala na kaming desisyon doon," dagdag pa niya.

Matatandaang sa isinagawang pagdinig ng House quad committee nitong Miyerkules, Nobyembre 13, sinabi ni Duterte na dapat umanong magmadali na ang ICC sa pag-imbestiga.

“Magpunta na sila rito bukas. Umpisahan na nila ang investigation. And if I found guilty, I will go to prison,” anang dating pangulo.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte sa ICC: 'Start the investigation tomorrow!'

Samantala, noong Hunyo ng taong ito nang ihayag ni human rights lawyer Chel Diokno na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyong Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno