December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nakakaloka! Gerald Sibayan, may nabuntis daw sey ni Xian Gaza

Nakakaloka! Gerald Sibayan, may nabuntis daw sey ni Xian Gaza
Photo courtesy: Christian Albert Gaza, Ai Ai Delas Alas/Facebook

Isang pasabog na open letter daw para kay Comedy Queen Ai Ai Delas Alas ang ibinahagi ng social media personality na si Xian Gaza sa kaniyang Facebook account nitong Miyerkules, Nobyembre 13, 2024.

Bagama’t walang sinabi kung paano niya nasagap ang detalyeng kaniyang ibinunyag sa naturang “open letter” tahasang sinabi ni Xian na may nabuntis na raw ang ex-husband ni Ai Ai na si Gerald Sibayan.

“Madam, may nabuntis na pong iba yung asawa mo. Wait mo na lang na i-reveal yung bata next year,” ani Xian.

Matatandaang kamakailan lang ay kinumpirma ng Comedy Queen ang hiwalayan nila ng kaniyang asawa na si Gerald Sibayan, matapos ang halos 10 taong pagsasama. 

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

KAUGNAY NA BALITA: Ai Ai Delas Alas, kinumpirma hiwalayan nila ni Gerald Sibayan

Tila inisa-isa din ni Xian ang estado ngayon ni Gerald kung kaya’t nakapagdesisyon itong iwanan na si Ai Ai.

“Ganyan po talaga ang buhay, matapos kang gamitin para umasenso sa life at magkaroon ng green card sa US, iniwan ka na lang basta-basta noong ikaw ay senior citizen na. Ayaw na po niya sa matanda kaya ngayon ay ipinagpalit ka sa mas bata. Ang importante po ay naging masaya ka sa piling niya for the last 10 years,” saad ni Xian.

Binilinan din niya ng komedyante at sinabing huwag na raw itong magpa-uto muli sa mas bata dahil aniya, “pera lang daw” ang habol kay Ai Ai. 

“Time will heal you, Madam. Huwag ka na pong magpauto ulit ha? Enjoyin mo na lang po yung buhay single mo. Fling fling na lang. Tikim tikim na lang. Huwag ka na pong magpagamit ulit sa mga kaedad namin dahil pera lang po ang habol namin sa matatanda. Sayang lang po yung feelings, pera at oras na i-invest niyo sa amin” ani Xian.

“Praying for you Madam Ai-Ai and God bless po sa bagong chapter ng iyong buhay.”

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag o tugon si Ai Ai sa naturang mensahe ni Xian ukol sa nangyari sa kaniyang relasyon. 

BASAHIN: Ai Ai Delas Alas, walang balak gantihan si Gerald Sibayan

KATE GARCIA