December 27, 2024

Home BALITA National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.3 na lindol ang tumama sa Davao Occidental nitong Huwebes ng madaling araw, Nobyembre 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:11 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 16 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Malita, Davao Occidental, na may lalim na 166 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.