December 06, 2024

Home BALITA Probinsya

Labi ng dalagang inanod ng baha noong bagyong Kristine, natagpuan sa isang creek

Labi ng dalagang inanod ng baha noong bagyong Kristine, natagpuan sa isang creek
Photo courtesy: BFP R5 SRF Headquarters/Facebook

Inabot ng halos 22 araw bago nahanap ang mga labi ng isang dalagitang inanod ng baha noong kasagsagan ng bagyong Kristine. 

Ayon sa ulat ng ilang local regional news outlets, kinilala ang biktima ang na si Katrina Cassandra “Cassie” Payoan, 18 at isang nursing student. Kabilang si Cassie sa apat na pasaherong sakay ng isang inanod na sasakyan noong Oktubre 22, 2024. Agad din daw natagpuan at nailibing ang katawan ng tatlong pasahero ng naturang sasakyan, ngunit ilang linggo pa ang inabot upang mahanap ang labi ni Cassie.

Natagpuan daw ang halos naaagnas ng katawan ng dalaga sa isang creek sa likod ng isang subdivision sa Naga City nitong Miyerkules, Nobyembre 13, 2024. 

Pinangunahan umano ng “Task Force Cassie” ang paghahanap sa nawawalang labi ng biktima. Sa opisyal na Facebook post ng BFP R5 SRF Headquarters nitong Nobyembre 13, malaki raw ang naiambag ang kanilang K9 dog na tinawag na “Rhyker” upang matunton sa creek ang katawan ni Cassie. 

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Narekober na ang bangkay ni Katrina Cassandra ‘Cassie’ Realizan Poyaoan, sa creek, malapit sa likod ng Camella Homes sa Siyudad ng Naga. Ito ang nawawalang nursing student na natangay ng baha noong kasagsagan ng bagyong Kristine sa bahagi ng Brgy. Del Rosario,” anang ahensya,

Dagdag pa nito, kinailangan pa raw gumamit ng makinarya upang makuha ang mga labi ni Cassie dahil sa masukal na parte ng creek at nabalot na raw ng putik ang katawan nito. 

KATE GARCIA