December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Enrique Gil, gusto pa rin makatambal si Liza Soberano; may collab daw?

Enrique Gil, gusto pa rin makatambal si Liza Soberano; may collab daw?
Photo courtesy: Enrique Gil/Instagram

Umaasa ang dancer at Kapamilya actor na si Enrique Gil na muli daw makatambal ang long time onscreen partner na si Liza Soberano.

Sa panayam ng media kay Enrique nitong Miyerkules, Nobyembre 13, 2024, bagama’t nasa United States pa rin daw si Liza, umaasa at bukas pa rin daw siya na muli itong makasama sa isang proyekto. 

“Of course, si Liza. But she is in the US, she is really focused on her US career. Dami niya auditions and events doon, we are focused on our careers,” ani Enrique.

Matatandaang taong 2020 nang huling masilayan ang LizQuen sa teleseryeng “Make it With You,” habang 2022 naman nang maiulat na pumunta sa US si Liza upang subukan daw ang Hollywood career. 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Minamatahan din daw ng aktor na makasama sa isang horror film si Liza kung saan nabanggit niya rin na ang posibilidad ng kanilang “collab,” matapos magkaroon ng sariling production house ng aktres sa US. 

“We were talking the other day and sabi niya is really interested in my other project, horror. When she comes back we will talk about the storyboard. She also has a prod company there. Eventually mag collab kami,” saad ni Enrique. 

Samantala, nakatakda namang bumida si Gil sa darating na Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre para sa pelikulang “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.”