Tinuldukan na agad ni Kapuso star Bea Alonzo ang namumuong intriga tungkol sa lalaking si Jose Fores na kasama niya sa kaniyang Instagram story kamakailan.
Sa isang IG story ni Bea nitong Martes, Nobyembre 12, nilinaw ni Bea na kaibigan lang daw niya si Jose at wala umanong something romantic na namamagitan sa kanila.
“This is getting out of hand. Can we all relax? We are just friends. And the stories are getting ridiculous! Kalma lang po tayo,” saad ng aktres.
Matatandaang ibinahagi ni Bea ang larawan nila ng kaibigan matapos namang lumutang ang larawan ng ex-fiance niyang si Dominic Roque at Sue Ramirez na naghahalikan.
MAKI-BALITA: Sue Ramirez, Dominic Roque naispatang naghalikan?
Kaya naman maraming netizens na ipinagpapalagay na resbak ito ni Bea kay Dominic.
MAKI-BALITA: Matapos tukain si Sue: Bea, may resbak agad kay Dominic?
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Dominic at Sue hinggil sa real-score nilang dalawa bagama’t kinumpirma na ni Victorias City Mayor Javi Benitez na hiwalay na sila ng huli.
MAKI-BALITA: Javi Benitez nagsalita na patungkol sa hiwalayan nila ni Sue Ramirez