Tila nakampante na ang Kapuso fans matapos masilayan ang homegrown Kapuso stars na sina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos sa GMA Christmas Station ID nitong 2024.
Taon-taon ay inaabangan ng viewers ang Christmas Station ID ng bawat network, at ngayong 2024, dapat na raw makalma ang fans nina Jen at Rhian matapos silang maispatan dito.
Matatandaang bulung-bulungan noon pa man ang umano'y paglipat daw ni Jen sa ABS-CBN, matapos siyang magkaroon ng album sa Star Music, ang music-label sister company ng ABS-CBN, gayundin ang kawalan pa niya ng network contract dito.
Habang si Rhian naman, natsitsismis na lilipat na raw, bagay na pinalagan naman ng boyfriend mismo ng aktres na si Manila City mayoral candidate-businessman Sam Versoza.
So nagiging batayan talaga ng fans ang Christmas Station IDs kung mananatili sa network ang kanilang mga lodi.
MAKI-BALITA: Manager, nagsalita sa isyu ng network transfer ni Jennylyn Mercado