Magpapatupad ang Manila Electric Co. (Meralco) ng dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre.
Sa isang pulong balitaan, mismong si Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga ang nag-anunsiyo ng taas sa singil sa kuryente na aabot sa ₱0.4274/kWh.
Ayon kay Zaldarriaga, bunsod ng naturang dagdag-singil, ang mga consumer na kumukonsumo ng 200 kwh kada buwan ay magkakaroon ng ₱85 na dagdag sa bayarin sa kuryente ngayong buwan.
Ang mga nakakagamit naman ng 300 kwh ay magkakaroon ng dagdag na bayarin na P128 kada buwan, ₱171 sa mga nakakakonsumo ng 400 kwh at ₱214 naman sa mga nakakagamit ng 500 kwh.
Ipinaliwanag ni Zaldarriaga na ang dagdag-singil sa November billing ay dahil sa pagsipa ng generation charge, transmission charge at buwis