Nagbigay ng pahayag ang broadcast-journalist na si Korina Sanchez kaugnay sa pagiging bagong host niya sa bagong season ng “Face To Face Harapan.”
Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Nobyembre 11, inamin ni Korina na hindi raw siya nakapanood ng kahit isang episode ng nasabing tabloid talk show.
"I never really watched ‘Face To Face,’ but I heard, I heard things about it,” saad ni Korina.
“Basta ang alam ko, isa ito sa mga haligi talaga, mga poste ng TV5, at ito ay isa sa mga pinaka-popular nilang programa ever since the days of Amy Perez," wika niya.
Dagdag pa niya: “Saka ang mga katapat niyan, medyo talagang umiilag. Kahit sa channel 2 no’n. Sabi ko, ‘uy, matindi yata itong ‘Face To Face’ na ito. Hanggang sa nagpalit-palit ng host.”
Matatandaang kamakailan lang ay inanunsiyo na ng TV5 ang bagong host na hahalili kay TV host actress Karla Estrada sa “Face To Face” na walang iba kundi si Korina.
MAKI-BALITA: Korina Sanchez, opisyal nang host ng 'Face To Face'
Bukod kina Korina at Karla, nagsilbi ring host sa nasabing tabloid talk show sina Amy Perez at Gelli De Belen.