December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Kathryn Bernardo, walang balak baguhin sa nakaraan niya

Kathryn Bernardo, walang balak baguhin sa nakaraan niya
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Public Affairs (YT)

Nausisa ang “Hello, Love, Again” star na si Kathryn Bernardo kung ano raw ang gusto niyang baguhin sa nakaraan kung magkakaroon ng pagkakataon.

Sa latest episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” kamakailan, sinabi ni Kathryn na wala raw siyang balak baguhin ang kaniyang nakaraan kahit ang naranasang heartaches.

“Because I felt like lahat po ng nangyari ngayon and noon kung hindi ‘yon nangyari baka ibang Kathryn ‘yong humarap sa inyo ngayon,” saad ni Kathryn.

“And I feel like anything o everything that happened, lahat ‘yon may reason. I just love my life now,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Dagdag pa ng aktres: “So lahat ng failures, lahat ng victories, lahat ng sadness and happiness kailangan ko ‘yong ma-experience to be this Kathryn now. So wala akong papalitan.”

Matatandaang sa isang panayam kamakailan ay minsan na ring sinabi ni Kathryn na hindi raw niya pinagsisihan ang higit isang dekada nilang relasyon ni Daniel.

MAKI-BALITA: 'It was 11 beautiful years!' Kathryn, 'di nanghinayang sa relasyon nila ni Daniel