December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Erwan, sinariwa simula ng relasyon nila ni Anne sa kanilang anniversary

Erwan, sinariwa simula ng relasyon nila ni Anne sa kanilang anniversary
Photo Courtesy: Erwan Hesaff (IG)

Binalikan ng chef at social media personality na si Erwan Heussaff ang simula ng relasyon nila ng misis niyang si “It’s Showtime” host Anne Curtis.

Sa latest Instagram post ni Erwan nitong Martes, Nobyembre 12, ibinahagi niya ang serye ng mga  larawan nila ni Anne bilang pagdiriwang sa kanilang 7th wedding anniversary.

“A few more wrinkles, fuller faces, tired hands, shades of lipstick, sunburns, questionable fashion choices, thousands of pictures, a few of them posted, most of them simply cherished and countless meals, later,” saad ni Erwan.

Dagdag pa niya: “Throwback to when we officially became 'us'. 14 years, 7 of them married and 4 as a unit of 3 today.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I love you! Happy anniversary, Mon amour ” tugon naman ni Anne.

Matatandaan kamakailan lang ay nagsimulang kumalat ang tsikang on the rocks umano ang relasyon nina Erwan at Anne dahil sa ilang Facebook pages.

Lalong tumindi ang espekulasyong ito nang mapansin ng isang netizen na hindi suot ni Erwan ang wedding ring nila ng misis niya.

MAKI-BALITA: Di raw suot ang wedding ring: Erwan, inintrigang hiwalay na kay Anne

Ngunit tinuldukan naman agad ni Erwan ang tsikang ito nang ibahagi niya ang larawan nila ni Anne sa isang seafood restaurant sa Singapore.

MAKI-BALITA: Erwan Heusaff, Anne Curtis walang kailangang patunayan sa kahit sino: 'It's just how we are'