Mas lumakas pa ang Typhoon Nika habang binabaybay ang coastal waters ng Aurora, dahilan kaya’t itinaas na sa Signal No. 4 ang pitong mga lugar sa Luzon, ayon sa 8 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Lunes, Nobyembre 11.
Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Nika sa coastal waters ng Disalag, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 180 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Signal No. 4:
- Northernmost portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran)
- Central at southern portions ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon, Roxas, Burgos, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven, Gamu, San Manuel, Aurora, San Mateo, Cabatuan, Alicia, Luna, City of Cauayan, Angadanan, Quezon, Mallig, Quirino, Ilagan City, Delfin Albano, San Agustin)
- Kalinga
- Mountain Province
- Northern portion ng Ifugao (Aguinaldo, Mayoyao, Alfonso Lista, Banaue, Hungduan, Hingyon, Lagawe)
- Central at southern portion ng Abra (Manabo, Pidigan, San Juan, Tayum, Langiden, Luba, Boliney, Sallapadan, Bucloc, Lagangilang, Tubo, Danglas, Villaviciosa, La Paz, Licuan-Baay, Pilar, Malibcong, Pe, San Isidro, Daguioman, San Quintin, Dolores, Lagayan, Bangued, Bucay, Lacub)
- Northern at central portions ng Ilocos Sur (Cabugao, Sinait, San Juan, San Emilio, Lidlidda, Banayoyo, Santiago, San Esteban, Burgos, Santa Maria, Magsingal, San Vicente, Santa Catalina, Nagbukel, San Ildefonso, City of Vigan, Caoayan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Narvacan, Quirino, Cervantes, Sigay, Salcedo, Santa Lucia, City of Candon, Galimuyod, Gregorio del Pilar, Santa Cruz)
Signal No. 3:
- Central portion ng Aurora (Dinalungan)
- Northern portion ng Quirino (Diffun, Cabarroguis, Aglipay, Saguday, Maddela)
- Northeastern portion ng Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag, Quezon, Solano, Villaverde, Kasibu, Ambaguio, Bayombong)
- Mga natitirang bahagi ng Isabela
- Southwestern portion ng Cagayan (Enrile, Solana, Tuao, Tuguegarao City, Rizal, Piat)
- Mga natitirang bahagi ng Abra
- Mga natitirang bahagi ng Ifugao
- Northern portion ng Benguet (Buguias, Mankayan, Bakun)
- Southern portion ng Ilocos Norte (Laoag City, Sarrat, San Nicolas, Piddig, Marcos, Nueva Era, Dingras, Bacarra, Solsona, Paoay, Currimao, Pinili, Badoc, City of Batac, Banna)
- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur
Signal No. 2:
- Northwestern at eastern portions ng Cagayan (Iguig, Peñablanca, Baggao, Alcala, Amulung, Santo Niño, Gattaran, Lasam, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Allacapan, Ballesteros, Lal-Lo, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga)
- Mga natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
- Mga natitirang bahagi ng Quirino
- Mga natitirang bahagi ng Apayao
- Mga natitirang bahagi ng Benguet
- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte
- La Union
- Northeastern portion ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Sison, San Manuel, Umingan, Tayug)
- Central portion ng Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler)
- Northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Lupao, San Jose City)
Signal No. 1:
- Metro Manila
- Babuyan Islands
- Mga natitirang bahagi ng mainland Cagayan
- Mga natitirang bahagi ng Pangasinan
- Mga natitirang bahagi ng Aurora
- Mga natitirang bahagi ng Nueva Ecija
- Bulacan
- Pampanga
- Tarlac
- Northern at central portions ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Marcelino, San Felipe, San Narciso)
- Rizal
- Eastern portion ng Laguna (Santa Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Famy, Siniloan, Paete, Kalayaan, Cavinti, Lumban, Luisiana, Santa Cruz, Magdalena, Pagsanjan, Pila)
- Northern at eastern portions ng Quezon (Infanta, Quezon, Alabat, Sampaloc, Mauban, Perez, Real, General Nakar, Calauag) kabilang na ang Polillo Islands
- Northwestern portion ng Camarines Norte (Capalonga, Santa Elena, Vinzons, Labo, Paracale, San Vicente, Talisay, Daet, Jose Panganiban)
Base sa forecast track ng PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyong Nika sa Isabela o northern Aurora ngayong umaga.
Samantala, maaaring humina ang bagyo at ibaba sa “severe tropical storm” category habang binabaybay nito ang mainland Luzon dahil sa land interaction.
Posibleng lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo bukas, Martes, ng umaga o tanghali, Nobyembre 12.