Linggo-linggo pero tila uminit ang ulo ng bakitang aktres-producer na si Sylvia Sanchez matapos mapag-alamang may gumawa ng pekeng Facebook account gamit ang pangalan ng kaniyang mister na si Art Atayde, at ginamit pa ang larawan nila kasama ng manugang na si Maine Mendoza.
"Hoy!!!!!! Isa kang FAKE NEWS Kuya!!! Kaloka ka!!! Sunday na sunday pahinga ka naman!! Simba ka po at dasal para kaawaan ka ng DIYOS kesa nang FIFAKE NEWS ka" saad ni Sylvia.
"Ingat po sa acnt na ito!!!!" pag-iingat ni Ibyang sa publiko.
Ibinahagi pa ni Sylvia ang palitan ng mensahe ng nabanggit na fake account sa isang kausap nito na nagngangalang "Jo."