December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Sue, patuloy minamahal ang buhay; tikom ang bibig sa breakup nila ni Javi

Sue, patuloy minamahal ang buhay; tikom ang bibig sa breakup nila ni Javi
Photo Courtesy: Sue Ramirez (FB)

Nananatili pa ring tikom ang bibig ng Kapamilya actress na si Sue Ramirez tungkol sa hiwalayan nila ni Victorias City Mayor Javi Benitez.

Sa mga latest Facebook post ni Sue, makikitang pulos larawan niya sa bakasyon ang kaniyang ibinabahagi kasama ang ilang kaibigan.

“I love life ‍” saad ni Sue sa isang post.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"What i like most of you indai Sue Ramirez is your attitude always being positive. Beautiful inside and out "

"Hindi na I love javi?"

"When ang launch ng movie bhe?"

"Dominic the pautograper"

"asan si dom ate Sue Ramirez ?"

"Move on ya Sue ahh gwapa ka!"

"Hi! Ako nga pala si Life. I love u too"

"Loveloveeeee enjoy singlenesssss "

"I love Dom sana yun. Ayyy sorry Senyora "

Matatandaang binasag na ni Mayor Javi sa pamamagitan ng Instagram story ang kaniyang pananahimik tungkol sa estado ng relasyon nila ni Sue nitong Sabado, Nobyembre 9.

MAKI-BALITA: Javi Benitez nagsalita na patungkol sa hiwalayan nila ni Sue Ramirez

Lumutang kasi kamakailan ang mga larawan ni Sue sa isang bar sa Siargao kung saan makikitang tila naghalikan sila ni Dominic Roque nang panandalian.

MAKI-BALITA: Sue Ramirez, Dominic Roque naispatang naghalikan?

Dahil dito, nagsimula nang uriratin ng mga netizen kung totoo nga ba talagang hiwalay na sina Mayor Javi at Sue at kung may namamagitan ba sa aktres at kay Dominic.

MAKI-BALITA: Sue Ramirez, inurirat sa viral pictures nila ni Dominic Roque

Pero bago pa man ito ay tila nauna nang natunugan ni showbiz insider Ogie Diaz na split na sina Sue at Mayor Javi matapos mapansin na tila wala nang recent photo together ang dalawa.

MAKI-BALITA: Sue Ramirez, hiwalay na raw sa jowang mayor?