December 27, 2024

Home BALITA National

Signal No. 3, itinaas na sa 2 lugar sa Luzon dahil sa bagyong Nika

Signal No. 3, itinaas na sa 2 lugar sa Luzon dahil sa bagyong Nika
Courtesy: PAGASA/FB

Itinaas na sa Signal No. 3 ang dalawang lugar sa Luzon dahil sa Severe Tropical Storm Nika na bumagal ang pagkilos habang nasa Philippine Sea sa silangan ng Aurora, ayon sa 8 PM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo, Nobyembre 10.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Nika 335 kilometro ang layo sa silangan hilagang-silangan ng Infanta, Quezon o 330 kilometro ang layo sa silangan ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 135 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Dahil dito, itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signals ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Signal No. 3:

Southeastern portion ng Isabela (Dinapigue, Palanan)

Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)

Signal No. 2:

Southern portion ng Ilocos Norte (Nueva Era, Solsona, Dingras, Marcos, Banna, City of Batac, Pinili, Paoay, Currimao, Badoc, Carasi, Piddig, Sarrat, San Nicolas, Laoag City)

Ilocos Sur

La Union

Northeastern portion ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Sison, San Manuel, Umingan, Tayug)

Central portion ng Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler)

Southern portion ng mainland Cagayan (Solana, Iguig, Peñablanca, Tuguegarao City, Enrile, Baggao, Alcala, Amulung, Santo Niño, Rizal, Piat, Tuao, Gattaran, Lasam)

Mga natitirang bahagi ng Isabela

Quirino

Nueva Vizcaya

Southern portion ng Apayao (Kabugao, Conner, Flora, Pudtol, Calanasan)

Abra

Kalinga

Mountain Province

Ifugao

Benguet

Northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Lupao, San Jose City)

Signal No. 1:

Metro Manila

Mga natitirang bahagi ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands

Mga natitirang bahagi ng Apayao

Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte

Mga natitirang bahagi ng Pangasinan

Mga natitirang bahagi ng Aurora

Tarlac

Northern at central portions ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Marcelino, San Felipe, San Narciso)

Mga natitirang bahagi ng Nueva Ecija

Pampanga

Bulacan

Rizal

Eastern portion ng Laguna (Santa Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Famy, Siniloan, Paete, Kalayaan, Cavinti, Lumban, Luisiana, Santa Cruz, Magdalena, Pagsanjan, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Pila, Victoria)

Eastern portion ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, General Nakar, Lucban, City of Tayabas, Lucena City) kabilang na ang Polillo Islands

Camarines Norte

Camarines Sur

Catanduanes

Northeastern portion ng Albay (Malinao, Tiwi, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Rapu-Rapu)

Base sa forecast track ng PAGASA, kikilos ang bagyong Nika pa-west northwest sa buong forecast period, at posible itong mag-landfall sa Isabela o northern Aurora bukas, Lunes, ng umaga o bago magtanghali, Nobyembre 11.

Inaasahang itataas sa “typhoon” category ang bagyo ngayong Linggo. Posible naman itong panandaliang humina dahil sa pagbaybay nito sa kalupaan ng Luzon dahil sa land interaction, ngunit maaaring muling lumakas sa West Philippine Sea (WPS).

Posibleng lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Martes ng tanghali, Nobyembre 12.