December 27, 2024

Home BALITA National

‘Nika,’ bahagyang lumakas habang nasa PH Sea sa silangan ng Quezon

‘Nika,’ bahagyang lumakas habang nasa PH Sea sa silangan ng Quezon
Courtesy: PAGASA/FB

Bahagya pang lumakas ang Severe Tropical Storm Nika habang kumikilos ito pakanluran sa Philippine Sea sa silangan ng Quezon, ayon sa 2 PM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo, Nobyembre 10.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Nika 425 kilometro ang layo sa silangan ng Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 135 kilometers per hour.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Dahil dito, itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signals ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Signal No. 2:

- Northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler)

- Isabela

- Quirino

- Southern portion ng Cagayan (Solana, Iguig, Peñablanca, Tuguegarao City, Enrile)

- Nueva Vizcaya

- Kalinga

- Mountain Province

- Ifugao

- Eastern portion ng Benguet (Mankayan, Buguias, Kabayan, Itogon, Bokod, Atok)

- Northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan) 

- Northeastern portion ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin)

Signal No. 1:

- Mga natitirang bahagi ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands

- Apayao

- Abra

- Ilocos Norte

- Ilocos Sur

- Mga natitirang bahagi ng Pangasinan

- La Union

- Mga natitirang bahagi ng Benguet

- Mga natitirang bahagi ng Aurora

- Tarlac

- Northern at central portions ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Marcelino, San Felipe, San Narciso)

- Mga natitirang bahagi ng Nueva Ecija

- Pampanga

- Bulacan

- Metro Manila

- Rizal

- Eastern portion ng Laguna (Santa Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Famy, Siniloan, Paete, Kalayaan, Cavinti, Lumban, Luisiana, Santa Cruz, Magdalena, Pagsanjan, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Pila, Victoria)

- Eastern portion ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, General Nakar, Lucban, City of Tayabas, Lucena City) kabilang na ang Polillo Islands

- Camarines Norte

- Camarines Sur

- Catanduanes

- Albay (Malinao, Tiwi, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Rapu-Rapu)

Base sa forecast track ng PAGASA, kikilos ang bagyong Nika pa-west northwest sa buong forecast period, at posible itong mag-landfall sa Isabela o Aurora sa bukas, Lunes, ng umaga o bago magtanghali, Nobyembre 11.

Inaasahang itataas sa “typhoon” category ang bagyo ngayong Linggo. Posible naman itong panandaliang humina dahil sa pagbaybay nito sa kalupaan ng Luzon, ngunit maaaring muling lumakas sa West Philippine Sea (WPS).

Posibleng lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Martes ng tanghali o gabi, Nobyembre 12.