December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Netizens, bet kaibiganin anak ni Vicki Belo; hinihiritan ng pamasko

Netizens, bet kaibiganin anak ni Vicki Belo; hinihiritan ng pamasko
Photo Courtesy: Scarlet Snow Belo (IG)

Tila gustong mamasko ng ilang netizens sa anak ni Dra. Vicki Belo na si Scarlet Snow Belo ng mga luxury brands na ibinida nito.

Sa isang Instagram post kasi ni Scarlet noong Sabado, Nobyembre 9, inihayag niya ang nararamdamang excitement sa paparating na Pasko para mabigyan ng regalo ang mga kaibigan.

“My most favorite time of the year— Christmas! I can’t wait to send these gifts to our friends,” saad ni Scarlet.

Dagdag pa niya: “ I hope they like what we carefully chose for each of them.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Umani ang post ni Scarlet ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Can we be friends also, Scarlet"

" namamasko po "

"Sana friend rin kita "

"this kind of friend sana "

"Dra @victoria_belo sana maging friends din po tyo! "

"Scarlet ako to yung friend mo sa science class"

" bait naman "

"Sanaol may Loewe gift "

"Can I be your friend too Scarlet? "

"hi friend!"

"Merry Christmas Scarlet! Baka pwede rin pasuyo na rin ibalot mo para sa akon. "

"I wish I could get one too "

"My wish to be your friend "

Samantala, isang netizen naman ang tila nagpaalala kay Scarlet sa kalagayan ng mga mahihirap na bata na walang makain o kahit anong bagong gamit.

Pero pangako ng anak ng doktora: “We promise not to forget them.”