Tila hindi pa tapos si senatorial aspirant Chavit Singson sa pagsuporta sa pamilya Yulo matapos maiulat ng isang local media outlet ang panibagong cash incentives na ibinigay niya kay Karl Eldrew Yulo, kapatid ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.
Ayon sa naturang local media, ₱500k ang ibinigay ni Chavit, matapos humakot ni Karl ng apat na gold medals at dalawang silver sa isang international gymnastics competition sa Thailand na ginanap noong Nobyembre 1-3, 2024.
KAUGNAY NA BALITA: Adamson University, kinilala 'hakot award victory' ni Karl Eldrew Yulo
Samantala, kamakailan ay nauna na ring magbigay ni Singson ng ₱1M sa buong pamilya Yulo, na tanda raw ng kaniyang intensyon na maayos ang gusot sa pagitan ni Carlos at kaniyang pamilya.
KAUGNAY NA BALITA: Yulo family, nakatanggap ng ‘maagang aguinaldo’ mula kay Chavit Singson?
Matatandaang magmula nang pumutok ang isyu ni Caloy at ng kaniyang pamilya, ay naging bukas ang pahayag ni Chavit na hangad daw niyang magkaayos ang mga ito at handa rin daw siyang mag-abot ng ₱5M upang mabuo raw muli ang samahan ng nasabing pamilya.
Kate Garcia