December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Matapos tukain si Sue: Bea, may resbak agad kay Dominic?

Matapos tukain si Sue: Bea, may resbak agad kay Dominic?
Photo courtesy: John Fores (IG)/Bea Alonzo (IG) via Latest Chika (FB)/Fashion Pulis

Usap-usapan ang Instagram story ni Kapuso star Bea Alonzo kung saan ibinahagi niya ang larawan nila ng kaibigang si Jose Fores.

Sa ulat ng isang entertainment site, shinare ni Bea ang cozy photo nila ni Fores kung saan tila makikitang nakayakap siya rito.

Photo courtesy: Bea Alonzo (IG) via Latest Chika.com (FB)

Batay sa caption ng ulat, si John ay isa sa mga kaibigan lamang ni Bea at wala silang romantic relationship.

Pero timing na timing ito sa paglabas naman ng kissing video ng kaniyang ex-fiance na si Dominic Roque at Kapamilya actress na si Sue Ramirez habang nasa isang bar sa Siargao.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Si Sue naman ay dating karelasyon ng mayor ng Victorias City sa Negros Occidental na si Javi Benitez, anak ni Albee Benitez na siya namang founder ng Brightlight Productions.

Sa isang Facebook post nga ay nagsalita na rin si Benitez kaugnay sa nabanggit na break-up.

MAKI-BALITA: Javi Benitez nagsalita na patungkol sa hiwalayan nila ni Sue Ramirez

Dito ay inamin niyang apat na buwan na silang hiwalay ni Sue, at walang "outside forces" na naging dahilan para maghiwalay na sila ng landas matapos ang limang taong relasyon.

MAKI-BALITA: Javi Benitez, nilinaw na walang 'outside forces' sa hiwalayan nila ni Sue Ramirez

Hangad daw ng mayor ang kaligayahan at pagmamahal na deserve ni Sue.

MAKI-BALITA: Javi kay Sue: 'I wish her nothing but happiness and the love she deserves!'

Kaya tanong tuloy ng karamihan, ito na ba ang resbak ni Bea sa kaniyang dating karelasyon na mukhang nakahanap na ng bagong pag-ibig?

Naghiwalay ang engaged couple na sina Bea at Dominic na kinumpirma ni Bea noong Pebrero 2024.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, binasag na katahimikan sa hiwalayan nila ni Dominic Roque

Pinuntahan ng Balita ang Instagram account ni Fores, at sa isa sa mga Instagram post niya, makikita ang isang cozy photo nila ng kaibigang si Bea, na posted noong Oktubre pa.

Walang ibang caption sa post kundi emoji ng smiling face.

"Hahahaha why is that the caption," urirat ng isang netizen.

"she did this!!!" tugon naman ni Fores.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Dominic, Sue, at maging si Bea tungkol dito.