December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'MADAMing dinadala?' Sue dinaan sa sago't gulaman pang-uurirat ng netizens

'MADAMing dinadala?' Sue dinaan sa sago't gulaman pang-uurirat ng netizens
Photo courtesy: Sue Ramirez (IG)

Tila unbothered pa rin ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez sa mga usisa sa kaniya ng netizen patungkol sa viral kissing video nila ng aktor na si Dominic Roque.

Simula kasi nang pumutok ang isyu ay tila dedma lang si Sue at panay Instagram posts lang ng mga ganap niya habang nagliliwaliw sa Siargao.

Ang latest nga, nag-post si Sue ng kaniyang photos, Linggo, Nobyembre 10.

"sago't gulaman para kay Madam....ing dinadala," caption dito ng aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kapansin-pansin naman ang isang larawan kung saan makikitang may suot siyang tote bag na may nakalagay na "MADAM" o "Madaming Dinadala" mula sa Linya Linya.

Anyway, nagsalita na patungkol sa kanilang break-up ang ex-jowang si Victorias City, Negros Occidental Mayor Javi Benitez. Dito ay inamin niyang apat na buwan na silang hiwalay ni Sue, at walang "outside forces" na naging dahilan para maghiwalay na sila ng landas matapos ang limang taong relasyon.

MAKI-BALITA: Javi Benitez nagsalita na patungkol sa hiwalayan nila ni Sue Ramirez

MAKI-BALITA: Javi Benitez, nilinaw na walang 'outside forces' sa hiwalayan nila ni Sue Ramirez

Hangad daw ng mayor ang kaligayahan at pagmamahal na deserve ni Sue.

MAKI-BALITA: Javi kay Sue: 'I wish her nothing but happiness and the love she deserves!'