December 22, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Kathryn, Julia, Nadine pinagsasabong: 'Sino pinakamagaling magmura?'

Kathryn, Julia, Nadine pinagsasabong: 'Sino pinakamagaling magmura?'
Photo courtesy: Screenshot from Goldwin Reviews (X)

Nagmistulang "survey poll" sa netizens ang tanong ng isang film critic page kung sino kina Kathryn Bernardo, Julia Montes, at Nadine Lustre ang pinakamagaling magmura—sa pelikula.

Mababasa sa X account ng "Goldwin Reviews" ang nabanggit na tanong sa mga netizen, batay sa kani-kanilang mga karakter sa pelikula.

Si Kathryn ay first time marinig na magmura sa pelikulang "A Very Good Girl" kasama si Dolly De Leon. Si Julia naman ay nagmura din sa "Five Breakups and a Romance" katambal si Alden Richards. At si Nadine naman, naging usap-usapan naman kamakailan matapos ipakita ang teaser ng pelikulang "Uninvited" kung saan pinagmumura niya ang batikang aktor na si Aga Muhlach. Ang pelikulang ito ay official entry para sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa kapaskuhan.

At batay naman sa poll as of this writing, ang boto ay kay Nadine (56.1%), na sinundan naman ni Kathryn (24.6%), at panghuli si Julia (19.3%).

Pelikula

Julia Montes, dinaig sa bakbakan si Coco Martin

Pero sey ng iba pang netizens, may kulang pa raw sa survey poll. Dapat daw isama ang award-winning Kapamilya actress din na si Charlie Dizon para sa "Fan Girl" at box-office at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera para naman sa Cinemalaya movie na "Balota."