Inamin ni Kapuso star at socialite Heart Evangelista na mahirap daw magkaroon ng totoong kaibigan sa showbiz industry.
Sa ulat ng GMA Integrated News nitong Biyernes, Nobyembre 10, sinabi ni Heart na karamihan daw sa mga kaibigan niya ay ang mga nasa likod ng camera.
“Mahirap kasi magkaroon ng kaibigan sa industriyang 'to. Kasi kahit mahal n'yo 'yong isa't isa, minsan, especially sa show business, hindi mo maiiwasan na makumpara kayo sa isa't isa,” saad ni Heart.
Dagdag pa niya: “So, usually ang mga naging barkada ko talaga 'yong mga behind the scenes. Because still same industry, [pero] different careers.”
At dalawa raw sa mga kaibigang ito ng Kapuso star ay ang kaniyang dating manager na si Arnold Mendoza at ang Indonesian make up artist Albert Kurniawan.
Aniya, “I'm so comfortable with Arnold that he knows everything about me. 'Yong mga hindi nga alam ng asawa ko, alam niya e.”
“Si Albert, same. Over a decade na rin si Albert. 'Yon 'yong barkada namin nila Irene, nila Arnold. And nag-umpisa rin sa akin si Albert na mag-makeup,” dugtong pa ni Heart