Sinabi ng Kapuso actor na si Derrick Monasterio na napansin daw niyang tila iba ang tingin ni Asia's Multimedia Star Alden Richards sa Outstanding Asian Star at Kapamilya A-list Star na si Kathryn Bernardo, nang mag-guest ang dalawa sa musical variety show ng GMA Network, ang "All Out Sundays."
Bahagi pa rin ito ng promotion ng kanilang upcoming movie na "Hello, Love, Again" na mapapanood na sa mga sinehan sa darating na Nobyembre 13.
"Alam n'yo, napansin ko kahit off cam, iba talaga tumingin si Alden kay Kathryn," saad ni Derrick, na isa sa mga nag-welcome kay Kathryn sa AOS, kasama pa sina Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Rayver Cruz, at dating kasama sa Star Magic na si Kyline Alcantara. Siyempre, present din si Alden.
Ibinahagi rin ng GMA Network sa kanilang opisyal na Facebook page ang tungkol sa naging pambubuking ni Derrick.
Sa ilang vlogs at panayam ay inamin nina Alden at Kathryn na espesyal ang pagtitinginan nila bilang magkaibigan.