Nakakaloka ang hirit ng social media personality na si Toni Fowler tungkol sa bago niyang baby sa partner niyang si Vince Flores.
Sa isang Facebook post ni Toni nitong Sabado, Nobyembre 9, nagbiro si Toni na kamukha raw ng doktor na nag-cesarean sa kaniya ang anak niya.
“Yung ikaw tatay pero ang kamuka ng anak mo yung Doctor Doc Yappy,” saad ni Toni sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Count me in.. Kapwa cs Haha natwa ako sa kamukha ni Doc Yappy"
"Ay sya baka nasalisihan ka, chaaarrr. Congratulations "
"Congrats mommy oni, true nga na may baby sa loob ng tyan mo alaka ko kc prank lang, pero totoo pala talagang may baby,"
"Buti ka pa mommy oni hindi mo pinagdadamot ang face ni bby tyrone yung iba kasi di agad pinapakita , but i know po nasa parents pa din nman yon. kanya kanyang trip "
"Magbago pa nmn Mukha ng Bata habang nagkakaedad iyan"
"hala sobrang cute sarap ikiss"
Matatandaang noong Marso ay masayang ibinalita ni Vince ang tungkol sa pagbubuntis ni Toni sa pamamagitan ng isang social media post.
MAKI-BALITA: Toni Fowler, Vince Flores magkaka-baby na!