December 23, 2024

Home SHOWBIZ

'Ayaw kong boring!' Kara David, mas lumalakas kapag may problema sa buhay

'Ayaw kong boring!' Kara David, mas lumalakas kapag may problema sa buhay
Photo Courtesy: KC After Hours (YT)

Tila positibo ang epekto ng pagsubok para sa multi-awarded Kapuso broadcast-journalist na si Kara David.

Sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Nobyembre 9, sinabi ni Kara na mas lumalakas daw siya kapag may dumarating na pagsubok sa kaniyang buhay.

Ayon sa kaniya, “Gusto ko nga ‘yong may problema at natatakot. Ayaw kong boring ‘yong buhay. Kasi feeling ko, lumalakas talaga ako ‘pag mayro’ng challenge.”

“Napatunayan ko ‘yon no’ng nabuntis ako,” pagpapatuloy niya. “Tapos, I had to raise my daughter by myself. Sobrang scary ‘yon, ‘di ba? Nakakatakot ‘yon. Pero magpe-persevere ka.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa ni Kara, “After that, kapag nalampasan mo siya, hindi siya achievement pero parang nadagdagan ng armor ‘yong katawan mo. Parang gano’n siya.”

Kaya naman pagdating sa anak niyang si Julia David, mas gusto rin daw niyang magkaroon ito ng challenges.

“Kailangan mo silang i-trust ‘yong mga anak mo. At kailangan mong i-trust ‘yong pagpapalaki mo sa kanila,” aniya.