December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anak ni Roi Vinzon, muntik na ring pagsamantalahan ng 2 inireklamo ni Sandro?

Anak ni Roi Vinzon, muntik na ring pagsamantalahan ng 2 inireklamo ni Sandro?
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Umuugong daw ngayon ang usap-usapan na muntik na rin umanong pagsamantalahan ang anak ni Roi Vinzon na Antonio Vinzon ng dalawang GMA independent contractors.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Nobyembre 10, tinalakay ni showbiz insider Ogie Diaz ang isang blind item na ang tinutukoy umano ay si Antonio.

“Lumabas siya sa ‘Chakapuso’ na si Antonio Vincent daw ‘yong tinutukoy sa blind item,” saad ni Ogie. 

“So, sabi sa akin ni Antonio Vinzon, ‘Tito, wala po akong matandaan na mayro’ng nag-text sa akin. Ang alam ko po, magkasama kami ni Sandro [Muhlach] pero nagkahiwalay po kami kasi kasama ko that day ang daddy ko,’” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Bukod dito, nabanggit din ni Ogie na nauna raw magpadala ng mensahe sa kaniya ang aktres na si Desiree Del Valle para linawin ang nasabing tsika.

Matatandaang nagsimula ang isyu ni Sandro nang maglabas ng blind item ang Philippine Entertainment Portal (PEP) tungkol sa baguhang aktor na ginawang “midnight snack” umano ng dalawang TV executives.

MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?