December 23, 2024

Home SHOWBIZ

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa
Photo courtesy: Kiray Celis (FB)

Buong pagmamalaking flinex ng komedyanteng si Kiray Celis na ang saya-saya raw sa pakiramdam na magkaroon ng isang boyfriend na alam niyang mahal na mahal siya at hindi nagloko sa kanilang relasyon.

Ayon sa Facebook post ni Kiray nitong Biyernes, Nobyembre 8, hindi raw siya niloko ng kaniyang jowang si Stephan Estopia. Ginawa niya ito para asarin ang sikat na online personality na si "Senyora" matapos madurog ang puso sa balitang naispatang "nagtutukaan" sa isang bar sa Siargao sina Dominic Roque at Sue Ramirez.

MAKI-BALITA: Sue Ramirez, Dominic Roque naispatang naghalikan?

"Yung feeling na mahal na mahal ka ng jowa mo at never kang niloko. Sarap sa pakiramdam no? Pero paano naman yung never naman jinowa pero feeling niloko? Hello Senyora! SHOT PUNO! HAHAHAHA!" ani Kiray na laging "binabarda" ni Senyora.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Gatong pa ni Kiray, "Sinong FEELING JOWA at feeling niloko? Itaas ang kamay Senyora BUAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Nag-reply naman dito si Senyora, "Kiray MANAHIMIK KA WALA KANG ALAM!!!!"

Marami naman ang natuwa para kay Kiray dahil at least daw ay nakatagpo niya ang kaniyang "The One."