Bukod sa Singapore trip at posibleng paggawa ng life story ni Angelica Yulo, isa rin umano sa mga "regalo" ng isang negosyanteng ayaw magpabanggit ng pangalan, para sa pamilya Yulo, ang isa umano sa mga bahay niya na nagkakahalaga ng ₱95 milyon.
KAUGNAY NA BALITA: Angelica Yulo nagpasalamat sa sponsor ng lamyerda sa Singapore, mayamang negosyante raw?
KAUGNAY NA BALITA: 'Bakit 'di kay Carlos?' Buhay ni Angelica Yulo, gagawan ng pelikula?
Ayon sa pasabog ni Ogie Diaz sa kaniyang entertainment vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" nitong Nobyembre 8, hindi raw ibibigay ng nabanggit na negosyante ang nabanggit na property, bagkus, papayagan daw niyang tumira dito ang pamilya Yulo hanggang sa kung kailan nila gusto.
Tila nakita raw kasi ng nabanggit na negosyanteng nag-sponsor sa pamamasyal ni Angelica sa Singapore ang kasalukuyang tinitirhan ng pamilya, kaya inalok daw niya ang isa sa mga property na puwede itong tirhan ng pamilya.
"Hindi naman isasalin sa kanila 'yong titulo," paglilinaw naman ni Ogie. "Hanggang kailan nila gustong tumira doon, okay lang."
Paliwanag ni Ogie, hindi raw mayaman noong araw ang nabanggit na negosyante, at dahil sa pagsusumikap ay bumuti ang buhay ngayon, pero naging mapagmahal sa magulang, at talagang isinama sa pag-angat ng buhay sila.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, pahayag, o kumpirmasyon ang pamilya Yulo tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.