Bongga talaga ang award-winning actress na si Nadine Lustre dahil kahit madalang siyang mapanood sa telebisyon, bongga naman ang kaniyang career pagdating sa pelikula.
Kalalabas pa nga lang ng kaniyang horror movie na "Nokturno" sa direksyon ni Mikhail Red na nagpanalo sa kaniya ng "Best Actress" para sa pelikulang "Deleter" noong 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF)," heto't pasabog naman ang kaniyang pagbabalik-MMFF dahil agad na pinag-usapan ang official teaser ng pelikulang "Uninvited" na kalahok sa 2024 MMFF, sa ilalim ng Mentorque Productions.
Bongga rin ito dahil ito ang unang beses na pagsasama-sama nila ng mga batikang artista gaya nina Aga Muhlach at Star For All Seasons Vilma Santos-Recto.
At speaking of Aga, usap-usapan nga ang isang eksena sa teaser kung saan makikitang pinagmumura ng malutong na "P*tang-ina" ni President Nadine si Aga.
Sa dulo ay tila napikon naman si Aga at inambaan si Nadine.
Curious tuloy ang fans at supporters dahil naiibang Nadine Lustre na naman ang mapapanood sa pelikula.
Isa lamang ang Uninvited sa sampung entries na pelikula sa MMFF na mapapanood ng mga tao sa sinehan, sa Disyembre 25 hanggang Enero 7.