December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Magkapatid na Sanya at Jak, hirap tanggapin pagpanaw ng alaga

Magkapatid na Sanya at Jak, hirap tanggapin pagpanaw ng alaga
Photo Courtesy: Sanya Lopez, Jak Roberto (IG)

Tila nasa madilim na yugto ng kanilang buhay ang magkapatid na sina Sanya Lopez at Jak Roberto dahil sa pagpanaw ng alaga nilang asong si Dani.

Sa latest Instagram post ni Sanya kamakailan, inihayag niya ang kaniyang pagluluksa sa mahal na alaga.

Ayon sa aktres, “Ang sakit palagi na mawawala nalang silang bigla. Yung di mo alam bakit.. yung akala mo na palagi lang silang nanjan para sayo. Pero bigla nalang wala na sila. Ang sakit sakit sobra. 

“Thank you Dani…my little Danaya boy. Thank you for giving us so much love..I love you. Run free my Dani boy makakapag laro na ulit kayo ni Jong-jong,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Samantala, ayon naman kay Jak, sobra daw siyang nalungkot kahit matagal na raw niyang hindi nakasama at nahawakan si Dani.

“Mahirap pero kailangan tanggapin. Mananatili kayo ni Jong-jong sa puso namin, thank you for the happy memories. Our most behave and clingy dog. Mahal na mahal namin kayo ni Jong-jong ” aniya.

Nagpaabot naman ng kani-kanilang pakikiramay ang mga kasamahan at kaibigan ng magkapatid sa showbiz industry tulad nina Gab Valenciano, Luke Conde, Shaira Diaz, at marami pang iba.

Hindi naman nabanggit ang dahilan ng pagkamatay ng pet dog.