December 27, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Geoff Eigenmann, bukas makatrabaho ang ex na si Carla Abellana

Geoff Eigenmann, bukas makatrabaho ang ex na si Carla Abellana
Photo Courtesy: Carla Abellana,Geoff Eigenmann (IG)

Nausisa ang aktor na si Geoff Eigenmann tungkol sa posibilidad na muling makatrabaho ang ex-jowa niyang si Carla Abellana.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Nobyembre 8, sinabi ni Geoff  na sa dami raw ng nangyari sa kanila ni Carla ay siguradong mature na sila pareho.

"Yes. I would. I think now in our lives, a lot has happened to each of us separately already. That's where maturity and growth comes in, it's all in the past, and we're professionals,” saad ni Geoff.

Dagdag pa niya: “We did this together for a long time before. Why can't we do it now?" 

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Bukod dito, ibinahagi rin ng aktor na 6  or 7 years ago raw ay nagpapansinan sila ni Carla kapag nagkikita sila.

Aniya, "Nagpansinan kami. Hi, hello, greeted each other […] Short conversation and then the day just continued on."

Matatandaang 2014 nang kumpirmahin ni Carla ang tungkol sa hiwalayan nila ni Geoff bagama’t noong sumunod na taon ay sinabi ng aktres na bukas daw siyang makatrabaho ang kaniyang ex.

Sa kasalukuyan, kasal na si Geoff sa misis niyang si Maya Flores at may tatlo na silang anak. Samantala, si Carla naman ay hiwalay na kay Tom Rodriguez.

MAKI-BALITA: Carla Abellana, Tom Rodriguez divorced na!