December 27, 2024

Home SHOWBIZ

Claudine Barretto, reunited sa pamilya ni Rico Yan

Claudine Barretto, reunited sa pamilya ni Rico Yan
Photo courtesy: screenshot from Claudine Barretto/Instagram

Pinusuan ng netizens ang isang Instagram post ng tinaguriang “Optimum Star” na si Claudine Barretto matapos niyang ibahagi ang ilang larawan kasama ang pamilya ng yumaong ex-boyfriend na si Rico Yan.

Sa naturang post ng aktres noong Nobyembre 8, 2024, isinaad niya ang pasasalamat sa pamilya ng dating kasintahan.

“Thank u Tita Sita, @gerryytee @tinamarieyan @fran_rem @alfytueres2 @alfyy.tueres # Divine intervention & all is well in our souls,” ani Claudine.

Kasunod nito, nabanggit din ni Claudine kung gaano pa rin daw sila nangungulila sa pagpanaw ni Rico at isinaad ang kaniyang pangako na mananatili raw siya palagi para sa ina at pamilya ng dating aktor.

Relasyon at Hiwalayan

Arra San Agustin, nagkaroon ng relasyon kay Paolo Contis?

“Missing you terribly. I promise to always be there for Tita Sita & your whole family,” saad ni Claudine.

Matatandaang nabalot ng kontrobersiya ang estado ng relasyon sa pagitan ni Claudine at Yan family, matapos ang biglaang pagpanaw ng aktor noong 2002, kung saan umugong ang mga balitang sinisisi daw umano ng pamilya ni Rico ang aktres sa kaniyang pagkawala.

Pumanaw si Rico Yan noong Marso 2002, na ayon sa mga ulat ng local media ay natagpuang wala ng buhay ang 27-anyos na aktor na pumanaw sanhi raw ng cardiac arrest.

Samantala, umani rin ng mga positibong reaksiyon mula sa netizens ang nasabing post ni Claudine na tila masaya raw sa muling pagsasama ng aktres at pamilya ni Rico.

“For sure Ry is so happy! Godbless ate Clau!”

“Nakakatouch naman po ate Clau.”

“Masaya ako makita Kang masaya sa pamilya ni sir Rico Yan.”

“Tears of joy #RicoYan we miss you so much.”

“Ate Claudine, seeing you together with Kuya RY's family brings such warmth to our hearts.”

“I am pretty sure Rico is happy seeing you all together in one frame.”

MAKI-BALITA: Claudine, inaming hiwalay na sila ni Rico kahit nagli-live in pa

Kate Garcia