December 27, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?
Photo courtesy: via MB/Angelica Poquiz Yulo (FB)

Nausisa ni Mama Loi si Ogie Diaz sa latest episode ng kanilang entertainment vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" kung may balita na raw bang nasagap ang huli, kung nakapagbigay na ba ng tulong si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa kaniyang pamilya, kahit na pasikreto lamang.

Isa kasi sa mga napag-usapan nila sa latest episode ng vlog ang pagpapasalamat ng ina ni Carlos na si Angelica Yulo sa nag-sponsor daw sa kanilang naganap na Singapore trip kamakailan, na ibinida niya sa kaniyang Facebook post.

Saad ni Angelica, ang airfare ticket daw ay sinagot ng kaniyang panganay na anak na babae na si Jorielgel Yulo na isang coach at national judge sa gymnast.

Ang sumagot naman daw sa kanilang board and lodging sa isang luxurious hotel, na may kasama pang pocket money, ay isang babaeng may mabuting puso, na ayaw daw magpabanggit ng pangalan.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

"Bye SG see you manila in a bit. Thank you to the kindhearted woman who sponsored our stay in one of a luxurious hotel in SG for 1 week, with matching pocket money, thank you so much God bless you more ( she doesnt want to mention her name). Thank you also to my eldest daughter, my travel buddy and food buddy for sponsoring my air fare ticket, love you always" saad ni Angelica.

Ito naman ang isa sa mga naging paksa ng latest episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update nitong Biyernes, Nobyembre 8, kung saan sinabi ni Ogie na ang nakarating daw sa kaniya, isang mayamang businessman daw na ayaw magpabanggit ng pangalan ang nag-treat sa pamilya Yulo sa nabanggit na bansa.

Dito ay nabanggit ni Ogie, na tila gagawan daw ng pelikula ang life story ni Angelica, pero hindi pa malinaw kung ang nagbigay ng Singapore trip sa pamilya Yulo ang siyang magiging producer nito.

Isa pa, patitirahin din umano ng negosyanteng ito ang pamilya Yulo sa isa sa kaniyang mga bahay, na worth ₱95M. Hangga't kailan daw nais tumira ng pamilya Yulo sa baler na ito, okay lang daw!

Sey ni Ogie, ang negosyanteng ito ay dating laki sa hirap na yumaman at likas na mapagmahal sa kaniyang mga magulang. Kaya raw na-inspire ang negosyanteng ito na tulungan at i-angat ang buhay ng pamilya Yulo.

Singit tuloy ni Tita Jegs, sana raw ang nabanggit na negosyante na lang daw ang naging anak ni Mommy Angge dahil sa pagiging generous nito sa pamilya Yulo, to think na hindi naman niya ito kaano-ano.

Pagtatanggol naman ni Ogie, hindi naman daw nila alam kung ano ba talaga ang tunay na kuwento kung bakit tila napalayo ang loob ni Carlos sa kaniyang mga magulang lalo na sa kaniyang ina.

Nang mausisa naman ni Mama Loi si Ogie kung nagpaabot na raw ba ng tulong si Caloy sa kaniyang pamilya kahit palihim, sey ni Ogie, "Sabi sa'kin ng aking source, hindi pa raw. Hindi naman daw. Wala raw nangyaring gano'n."

"Eh hindi ba gano'n nga 'yong sina-suggest ko? Na sana, kahit pailalim, eh... magbigay, mag-share ng kaniyang blessings si Carlos Yulo sa kaniyang pamilya. Ngayon kapag tinanggihan, eh hindi naman na niya 'yon kasalanan," pahayag ni Ogie.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Carlos Yulo patungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.

MAKI-BALITA: Regalo ng sponsor na negosyante sa pamilya Yulo, bahay niya na worth ₱95M?

KAUGNAY NA BALITA: Angelica Yulo nagpasalamat sa sponsor ng lamyerda sa Singapore, mayamang negosyante raw?