December 22, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

'Bakit 'di kay Carlos?' Buhay ni Angelica Yulo, gagawan ng pelikula?

'Bakit 'di kay Carlos?' Buhay ni Angelica Yulo, gagawan ng pelikula?
Photo courtesy: via MB/Angelica Poquiz Yulo (FB)/Screenshot from Ogie Diaz Showbiz Update (YouTube)

Nakarating daw sa kaalaman ni showbiz insider-game show host Ogie Diaz na balak daw gawan ng biopic movie ang buhay ni Angelica Yulo, ina ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Hindi pa ito kumpirmado, subalit ayon sa source ni Ogie, mukhang ang businessman na natuwa kay Angelica na siyang nag-sponsor sa kaniyang Singapore trip, ang siyang nag-iisip na sumugal o tatayong producer para sa pelikulang ito.

Unang paksa ng "Ogie Diaz Showbiz Update" ang tungkol sa pagpapasalamat ni Angelica sa kaniyang eldest daughter na si Jorielgel Yulo, sa pagbili nito ang airfare ticket pa-Singapore, at sa sponsor nga ng kanilang Singapore trip.

"At alam mo ba," sey ni Ogie kay Mama Loi, "gagawing pelikula ang buhay ng 'The Angelica Yulo Life Story,'" sey ni Ogie.

Pelikula

Julia Montes, dinaig sa bakbakan si Coco Martin

Tanong naman ni Mama Loi, "Talaga? Bakit hindi Carlos Yulo Life Story?"

"Eh kasama na 'yon do'n, kasi iba pa rin daw at naiiba ang kuwento ni Mommy Angelica," sagot pa ni Ogie.

Isa pa, may "regalo" rin ang negosyanteng ito sa Yulo family sa pamamagitan ng pagpapatira sa kanila sa isa nitong bahay na worth ₱95M. Hangga't kailan daw nais tumira ng pamilya Yulo sa baler na ito, okay lang daw!

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng pamilya Yulo tungkol dito.

KAUGNAY NA BALITA: Angelica Yulo nagpasalamat sa sponsor ng lamyerda sa Singapore, mayamang negosyante raw?