December 27, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Angelica Yulo nagpasalamat sa sponsor ng lamyerda sa Singapore, mayamang negosyante raw?

Angelica Yulo nagpasalamat sa sponsor ng lamyerda sa Singapore, mayamang negosyante raw?
Photo courtesy: Angelica Poquiz Yulo (FB)

Nagpasalamat ang ina ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica Yulo sa nag-sponsor daw sa kanilang naganap na Singapore trip kamakailan, na ibinida niya sa kaniyang Facebook account.

Saad ni Angelica, ang airfare ticket daw ay sinagot ng kaniyang panganay na anak na babae na si Jorielgel Yulo na isang coach at national judge sa gymnast.

Ang sumagot naman daw sa kanilang board and lodging sa isang luxurious hotel, na may kasama pang pocket money, ay isang babaeng may mabuting puso, na ayaw daw magpabanggit ng pangalan.

"Bye SG see you manila in a bit. Thank you to the kindhearted woman who sponsored our stay in one of a luxurious hotel in SG for 1 week, with matching pocket money, thank you so much God bless you more ( she doesnt want to mention her name). Thank you also to my eldest daughter, my travel buddy and food buddy for sponsoring my air fare ticket, love you always" saad ni Angelica sa kaniyang appreciation Facebook post

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Ito naman ang isa sa mga naging paksa ng latest episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update nitong Biyernes, Nobyembre 8, kung saan sinabi ni Ogie na ang nakarating daw sa kaniya, isang mayamang businessman daw na ayaw magpabanggit ng pangalan ang nag-treat sa pamilya Yulo sa nabanggit na bansa.

Dito ay nabanggit ni Ogie, na tila gagawan daw ng pelikula ang life story ni Angelica, pero hindi pa malinaw kung ang nagbigay ng Singapore trip sa pamilya Yulo ang siyang magiging producer nito.

Isa pa, patitirahin din umano ng negosyanteng ito ang pamilya Yulo sa isa sa kaniyang mga bahay, na worth ₱95M. Hangga't kailan daw nais tumira ng pamilya Yulo sa baler na ito, okay lang daw!

Sey ni Ogie, ang negosyanteng ito ay dating laki sa hirap na yumaman at likas na mapagmahal sa kaniyang mga magulang. Kaya raw na-inspire ang negosyanteng ito na tulungan at i-angat ang buhay ng pamilya Yulo.

Nabanggit din na Ogie at co-hosts niyang sina Mama Loi at Tita Jegs ang tungkol sa pagtatangka raw nina Carlos at jowa niyang si Chloe San Jose na makipagkita sa mga kapatid ni Caloy na sina Eldrew at Elaiza habang nagte-training sa Japan.

Matatandaang sinabi ni Chloe na sinubukan nilang mag-reach out sa kanila subalit wala raw tugon mula sa kampo ng KG Management, Inc. kung pinayagan ba silang makipagkita sa kanila.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng pamilya Yulo tungkol dito.

KAUGNAY NA BALITA: Angelica Yulo, ibinida ang paglalamyerda sa Singapore