December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Matapos makita ang umano'y halikan nina Dominic at Sue: Senyora, gusto munang mapag-isa

Matapos makita ang umano'y halikan nina Dominic at Sue: Senyora, gusto munang mapag-isa
Photo Courtesy: Senyora (FB), Fashion Pulis

Nagbigay ng reaksiyon ang social media personality na si "Senyora" matapos kumalat ang umano’y halikan nina Dominic Roque at Sue Ramirez.

MAKI-BALITA: Sue Ramirez, Dominic Roque naispatang naghalikan?

Sa Facebook page ni Senyora, makikitang shinare niya ang post ng FB page na “Tadashi” kung saan tampok ang larawan nina Dominic at Sue na magkasama.

“Gusto ko munang mapag-isa ” saad ni Senyora.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Pahabol pa niya sa comment section: “Wag nyo muna ako kausapin.”

Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakikiramay ako Mare "

"Shot Puno"

"Meron pang mas mayaman na bagay sayo Senyora . Mahigpit na yakap "

"durog ang puso… subrang mapanakit tong si D "

"Ayan kasi inuna mo pa ang tsismis,nasalisihan ka tuloy Senyora "

"Binibigyan nyo nanaman kasi ng malisya nag beso lang namn sila maygad "

"Ay kawawa nman si ganda shot puno"

"Iyak na malala. Broken hearted na magpapasko si Senyora"

Matatandaang kamakailan lang ay nagbigay din ng reaksiyon si Senyora sa isang post kung saan naroon ang picture ni Dominic at ng kaibigan nitong Kathryn Bernardo.

MAKI-BALITA: 'Friend zone!' Dominic nag-react kay 'Senyora' na friends lang sila ni Kathryn