December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Kyle Echarri, 'di bet mga artistang gusto lang sumikat at magkapera

Kyle Echarri, 'di bet mga artistang gusto lang sumikat at magkapera
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT), Freepik

Ibinahagi ng Kapamilya actor na si Kyle Echarri kung ano ang pinakaayaw niyang attitude sa mundo ng showbiz industry.

Sa isang one-hour live chat session ng ABS-CBN kamakailan, sinabi ni Kyle na ayaw daw niya sa mga taong nag-aartista lang para sa pera at kasikatan.

“Pinakaayaw kong attitude sa showbiz…’yong mga taong gustong maging artista para lang sa fame, para lang sa pera,” saad ni Kyle.

“When that’s your priority, you never gonna make it far in this business. And I learned that at a young age kasi I was surrounded by the right people. That’s one message na gusto kong sabihin sa lahat ng mga pumapasok sa industriya,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa kabila raw ng kaniyang murang edad, marami raw nasaksihan si Kyle na mga artistang nawala dahil iba ang mga hinahangad at pangarap nila

“‘Pag na-realize mo na there’s more to this industry, there’s more to the art that we have, then being famous and being rich and all that… our goal is to be storytellers for a good reason,” dugtong pa niya.

Sa kasalukuyan, bahagi si Kyle ng primetime series na “Pamilya Sagrado” na nasa huling dalawang linggo na lang.

MAKI-BALITA:  'Paki-cancel po ang swimming!'Harutan nina Kyle, Daniela sa ilog, usap-usapan