November 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vice Ganda, may kinalaman ba sa pag-atras ni Ion sa pagtakbo bilang konsehal?

Vice Ganda, may kinalaman ba sa pag-atras ni Ion sa pagtakbo bilang konsehal?
Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz Showbiz Update (YouTube)/Ion Perez (TikTok)

Nagsalita si Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda hinggil sa napag-usapang pag-atras ng kaniyang mister na si Ion Perez bilang konsehal ng Concepcion, Tarlac, na pormal niyang sinabi sa kaniyang video statement na inilabas niya noong Lunes, Nobyembre 4.

Natanong si Vice ng kaniyang kaibigan at dating talent manager na si Ogie Diaz kaugnay rito.

Paliwanag ni Vice, kung anuman ang desisyon ng kaniyang mister ay desisyon nito para sa sarili, dahil hindi raw nila dynamics ang panghimasukan ang ginagawang mga desisyon ng isa't isa.

Kung anuman daw ang desisyon ng mister, ito ay kaniyang pinagkakatiwalaan.

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

"Ay hindi gano'n ang dynamics namin ni Ion, parang, kaming dalawa we don't decide for each other, hindi ako sasabihan ni Ion na dapat ganito 'yong gawin ko. Ako rin sa kaniya, hindi ko sasabihing dapat ganito 'yong gawin mo, hinahayaan namin 'yong isa't isa na pumruseso ng mga bagay pero nakaalalay kami," paliwanag ni Vice Ganda.

"Puwede kaming magbigay ng suhestyon, ng opinyon, lalo na 'pag pinag-uusapan namin, nagpapalitang-kuro kami, pero we will not decide for each other... hindi kami gano'n, so 'yong mga desisyon niya sa buhay, desisyon niya 'yon, at pinagkakatiwalaan ko siya," dagdag pa ni Vice Ganda.

Nang tanungin ni Ogie kung kay Ion ba mismo ang desisyong huwag na munang sumabak sa politika, "Yeah, yeah, parang... alam mo pareho kaming... si Ion kasi nasa politics ever since, kasi youth leader siya sa Tarlac noon pa. Youth leader siya. Saka ever since, bago pa kami magkakilala hanggang sa nagkakilala na kami, active siya sa ano eh, sa public service sa Tarlac. Kaya siya laging nasa Tarlac. Ang daming ganap."

"No'ng sinabi niyang tatakbo siya, may mga kumakausap sa kaniya, hindi na ako magtataka kung sabihin niyang tatakbo siya kasi nandodoon siya eh, noon pa eh, active talaga siya. Pero kung sasabihin niyang hindi rin siya tutuloy, hindi rin ako magtataka," anang misis ni Ion. "Kasi 'yon din siya eh. Kilala ko pagkatao niya na mabuti kasi ang puso ng asawa ko. Hindi siya mag-aaksaya ng pagmamahal at tiwala at suporta sa kaniya ng mga tao. Iyon 'yong sinabi niya sa akin, sabi niya 'Hindi na 'ko tutuloy. Sabi ko, 'Bakit?' Sabi niya, 'Kung tutuloy man ako, kailangan ko talaga siyang paghandaan, pagplanuhan, lahat' sabi niya."

"So ngayon, ayokong ipahiya 'yong pagtitiwala sa akin... kasi baka manalo siya eh, sabi niya 'Ayokong ipahiya.' Sabi niya 'I will make sure that they will be proud...'" bahagi pa ng pahayag ni Vice Ganda.

MAKI-BALITA: Vice Ganda nagsalita kung bakit umatras sa pagkandidato si Ion

MAKI-BALITA: Ion Perez, kinumpirmang 'di na kakandidato sa pagkakonsehal