November 07, 2024

Home BALITA National

Marce, pa-landfall na sa Sta. Ana, Cagayan; malapit nang maging ‘super typhoon’

Marce, pa-landfall na sa Sta. Ana, Cagayan; malapit nang maging ‘super typhoon’
Courtesy: PAGASA/FB

Malapit nang mag-landfall sa Santa Ana, Cagayan ang bagyong Marce na mas lumakas pa at malapit na ring itaas sa “super typhoon” category, ayon sa 2:00 PM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes, Nobyembre 7.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Typhoon Marce coastal waters ng Santa Ana, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 240 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.

National

Marce, nag-landfall na sa Sta. Ana, Cagayan!

Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Signal No. 4

- Northern portion ng Cagayan (Gonzaga, Santa Ana, Santa Teresita, Lal-Lo, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Gattaran, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Lasam) kabilang na ang Babuyan Islands

- Northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Flora, Calanasan, Pudtol)

- Northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Vintar, Dumalneg, Adams, Bacarra, Pasuquin, Burgos)

Signal No. 3

- Batanes

- Mga natitirang bahagi ng Cagayan

- Mga natitirang bahagi ng Apayao

- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte

- Northern portion ng Abra (Tineg, Danglas, Lagayan, Lacub, San Juan, La Paz, Bangued)

- Northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo)

Signal No. 2

- Northern at central portions ng Isabela (San Pablo, Santa Maria, Divilacan, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Palanan, Ilagan City, Mallig, Delfin Albano, Quirino, San Mariano, Gamu, Roxas, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, Benito Soliven, Luna, Aurora, San Manuel, San Mateo, Alicia, Angadanan, City of Cauayan, Cabatuan)

- Mga natitirang bahagi ng Abra

- Kalinga

- Mountain Province

- Northern portion ng Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue, Hungduan)

- Northern portion ng Benguet (Bakun, Mankayan)

- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur

- Northern portion ng La Union (Sudipen, Bangar, Balaoan, Luna, Santol)

Signal No. 1

- Mga natitirang bahagi ng La Union

- Pangasinan

- Mga natitirang bahagi ng Ifugao

- Mga natitirang bahagi ng Benguet

- Mga natitirang bahagi ng Isabela

- Quirino

- Nueva Vizcaya

- Northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler)

- Northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan)

- Northern portion ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria)

Base sa forecast track ng PAGASA, magla-landfall ang bagyong Marce sa Santa Ana, Cagayan sa pagitan ng 2:00 PM at 4:00 PM ngayong Huwebes. Pagkatapos nito, kikilos ang bagyo pakanluran, panandaliang lalabas sa Aparri Bay, at magla-landfall muli sa baybayin ng northwestern mainland Cagayan.

Reaching super typhoon category is not ruled, although this will be for a brief period only. 

Hindi inaalis ang posibilidad na maging “super typhoon” ang Marce, ngunit panandalian lamang ito. Posible itong humina ngayong Huwebes dahil sa interaksyon nito sa kalupaan ng mainland Luzon sa pag-landfall o paglapit nito sa lugar. Ngunit mananatili ang bagyo sa “typhoon” category sa buong pagdaan nito sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) region.

Maaaring lumabas ng PAR ang bagyo bukas ng tanghali o gabi.