Nakataas sa Signal No. 4 ang tatlong mga lugar sa Luzon dahil sa Typhoon Marce na bahagya pang lumakas, ayon sa 8:00 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes, Nobyembre 7.
Base sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Typhoon Marce 175 kilometro ang layo sa silangan ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 205 kilometers per hour.
Mabagal itong kumikilos pa-west northwest.
Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Signal No. 4
Northern portion ng mainland Cagayan (Gonzaga, Santa Ana, Santa Teresita, Lal-Lo, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Gattaran, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Lasam) kabilang na ang Babuyan Islands
Northeastern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Flora)
Northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud)
Signal No. 3
Batanes
Mga natitirang bahagi ng Cagayan
Mga natitirang bahagi ng Apayao
Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte
Northern portion ng Abra (Tineg, Danglas, Lagayan, Lacub, San Juan, La Paz, Bangued)
Northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo)
Signal No. 2
Northern at central portions ng Isabela (San Pablo, Santa Maria, Divilacan, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Palanan, Ilagan City, Mallig, Delfin Albano, Quirino, San Mariano, Gamu, Roxas, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, Benito Soliven, Luna, Aurora, San Manuel, San Mateo, Alicia, Angadanan, City of Cauayan, Cabatuan)
Mga natitirang bahagi ng Abra
Kalinga
Mountain Province
Northern portion ng Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue, Hungduan)
Northern portion of Benguet (Bakun, Mankayan)
Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur
Northern portion ng La Union (Sudipen, Bangar, Balaoan, Luna, Santol)
Signal No. 1
Mga natitirang bahagi ng La Union
Pangasinan
Mga natitirang bahagi ng Ifugao
Mga natitirang bahagi ng Benguet
Mga natitirang bahagi ng Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler), the northern portion of Nueva Ecija (Carranglan)
Northern portion ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria)
Base sa forecast track ng PAGASA, magla-landfall o tatawid ang bagyong Marce sa Babuyan Islands at/o sa hilagang bahagi ng mainland Cagayan, Ilocos Norte, at Apayao (o dadaan na malapit sa mga lugar na ito) mula mamayang hapon hanggang bukas ng madaling araw, Nobyembre 8.
“MARCE is forecast to approach the northern portion of Cagayan during its peak intensity,” anang PAGASA.
Posible naman daw humina ang bagyo simula mamayang tanghali dahil sa posibleng interaksyon nito sa kalupaan ng mainland Luzon sa pag-landfall o paglapit nito sa lugar, bagama't mananatili ito sa “typhoon” category sa buong pagdaan nito sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) region.
Maaaring lumabas ng PAR ang bagyo bukas ng tanghali o gabi.