December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Netizens, may napansin: Sam at Catriona, 'di magkatabi ng upuan sa eroplano?

Netizens, may napansin: Sam at Catriona, 'di magkatabi ng upuan sa eroplano?
Photo courtesy: Cornerstone Entertainment (IG)

Usap-usapan ang mga larawang ibinahagi ng Cornerstone Entertainment sa kanilang official Instagram page kung saan napansin ng mga netizen na tila raw hindi magkatabi sa upuan sina Sam Milby at Catriona Gray.

Patungo sa Canada ang mga artist ng Cornerstone para sa isang concert na gaganapin doon.

Kapansin-pansin daw na ang katabi ni Sam ay ang direktor at aktor na si John Prats matapos ibahagi ng Cornerstone ang mga kuhang larawan sa loob ng eroplano.

Tanong ng netizens, pahiwatig na ba ito na hiwalay na raw talaga ang dalawa at wala nang kasalang magaganap?

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"di na sila magkatabi sa seats catsam"

"Nakakasad lang CatSam no more, their US concert last year was a huge success with of course konting kilig from CatSam Moving on….for sure my fellow Filcans will have a blast with this CS all star concert and for Sam’s solo performance this time"

"Catsam accepted"

"catSam :("

Matatandaang napabalita na hindi na raw matutuloy ang kanilang kasal dahil sa hindi pa naisisiwalat na dahilan.

Ang huling sightings na magkasama sila ay noong Abril 2024, pero hindi sila nagsalita tungkol sa isyu ng hiwalayan.

MAKI-BALITA: Catriona at Sam, 'nilalanggam' na ulit; tuloy na kasal?