December 14, 2024

Home BALITA National

Lone bettor panalo ng ₱107.8M sa Lotto 6/42

Lone bettor panalo ng ₱107.8M sa Lotto 6/42
FILE PHOTO BY JANSEN ROMERO (MANILA BULLETIN)

Napanalunan ng lone bettor ang tumataginting na ₱107.8 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola nitong Martes ng gabi, Nobyembre 5. 

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng lucky winner ang winning numbers na 22-24-10-34-02-35 na may kaakibat na premyong ₱107,852,598.00.

Upang makubra ang premyo, kinakailangan lamang ng lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kaniyang lucky ticket at dalawang valid IDs.

Mayroon lamang namang isang taon ang lucky winner, mula sa petsa ng pagbola, upang kubrahin ang kaniyang premyo. Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon ay awtomatikong mapupunta sa kawanggawa.

National

PhilHealth, pumalag sa mga alegasyon; <b>₱138M hindi raw para sa Christmas party</b>

Samantala, wala namang nanalo sa Ultra Lotto 6/58 na may premyong ₱101,900,031.60 at winning numbers na 42-58-37-51-02-38. Gayundin sa Super Lotto 6/49 na 33-25-19-24-38-35 na may jackpot prize na ₱104,130,972.40.