December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kailangan na ulit mag-artista? Kris Bernal damang-dama hirap ng pagpapagawa ng bahay

Kailangan na ulit mag-artista? Kris Bernal damang-dama hirap ng pagpapagawa ng bahay
Photo courtesy: Screenshots from Kris Bernal (TikTok)

Usap-usapan ang TikTok video ng aktres na si Kris Bernal matapos niyang pabirong sabihing kailangan na niyang bumalik sa pag-aartista dahil mahal magpagawa ng bahay.

At hindi lamang basta-basta simpleng bahay ang ipinagagawa ni Kris at ng asawang si Perry Choi kundi mala-mansyon!

Sa nabanggit na TikTok video, tila na kay Kris na raw ang mga sintomas ng isang taong "walang pera" gaya ng pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, nanlalabo ang paningin, naninikip ang dibdib, mainitin ang ulo, wala palagi sa sarili, hirap sa pagtulog, madalas tulala, hindi makausap nang maayos, at nahihilo.

Nakalagay naman sa text caption ng video, "POV: Ang mahal magpagawa ng bahay."

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Bahay pala yan kala ko simbahan haha"

"Bagay na bagay po katawan mo sayo ngayon"

"Grabe 'yong bahay parang castle sa Europe"

"mahal mag pagawa Ng Bahay Lalo kung mala palasyo"

Ikinasal sina Kris at Perry noong 2021, pero 2020 pa lang ay sinimulan na nila ang pagpapagawa ng kanilang "Casa Choi," kaya lang, naabutan ito ng pandemya kaya hanggang ngayon, hindi pa tapos ang konstruksyon nito.