December 24, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bride ng 'Biggest Wedding of the Year,' tinakbuhan, nilayasan ang groom?

Bride ng 'Biggest Wedding of the Year,' tinakbuhan, nilayasan ang groom?
Photo courtesy: Screenshots from Sam YG (IG)

Usap-usapan ang Instagram post ng host/radio personality na si "Sam YG" matapos niyang isalaysay ang umano'y nasaksihang "runaway bride" sa dinaluhang kasal, na aniya, ay "#BiggestWeddingOfTheYear."

Si Sam ang nagsilbing event host nito, subalit hindi na raw "natuloy" ang kasal dahil sa biglaang pag-walk out ng bride.

"Still shocked..first time in 18 years witnessing an actual runaway bride " mababasa sa caption ni Sam.

"Sana maayos pa sayang naman"

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

"#BiggestWeddingOfTheYear #Kagulo."

Makikita naman sa video na nang makalapit na sa altar at sa harap ng magkakasal na pari ang bride at groom, isang babae ang lumapit at may ibinulong sa bride.

Maya-maya ay makikitang tumakbo na ngang palayo ang bride habang nagso-sorry sa kaniyang groom, na nagtangka namang humabol sa runaway niyang bride.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens. Karamihan, hindi kumbinsidong totoo ito at marahil ay isang "marketing strategy."

"Acting could be better."

"Looks like it’s scripted. Yung babae na bumolong sa bride was actually smiling when she was whispering something to the bride e…. Then yung galaw ng bride doesnt look natural…."

"Umm...they could have hired better actors"

BIGGEST WEDDING OF THE YEAR

Matatandaang kamakailan lamang, nahiwagahan ang mga netizen kung sino nga ba ang ikakasal batay sa wedding invitations na inilarawan ng ilang celebrities bilang "biggest wedding of the year."

Napansin ng mga netizen na tila iisang wedding invitation lamang ang shine-share sa kani-kanilang social media nina Anne Curtis, magjowang Gabbi Garcia at Khalil Ramos, Maymay Entrata, at si Sam nga.

Ang initials na mababasa rito ay "K&B."

Nakalagay sa text caption ni Anne, "Someone's getting married! How exciting! Looking forward to it!"

May hashtag itong "#BiggestWeddingOfTheYear."

Mababasa naman kay Maymay, "Waaaaah! Excited for this" na may kapareho ring hashtag.

Sey naman ni Gabbi, "best in abay na talaga sa kasal with @khalilramos can't wait to attend the biggest wedding of the year! waaah!"

Kay Khalil naman, "As an abay ulit with @gabbi for the biggest wedding of the year! so excited!"

At batay naman kay Sam Y.G., mukhang siya ang magiging host nito.

"One day away! All set to host the #BiggestWeddingOfTheYear. Let's do this!"

Nakalagay sa petsa ng "kasal" ay Nobyembre 5.

Wala pang posts tungkol dito ang iba pang mga nabanggit na celebs na "imbitado" sa nabanggit na kasalan.

Ano nga kaya ito?

MAKI-BALITA: 'Sino ikakasal?' Netizens curious sa wedding invitations na pino-post ng ilang celebs