Ibinahagi ni Senador Robin Padilla ang nasirang suwelas ng sapatos ni Senador Bato dela Rosa na tinawag niyang “pinakamatigas na senator.”
Sa isang Facebook post nitong Lunes, Nobyembre 5, nagbahagi si Padilla ng ilang mga larawan ni Dela Rosa kung saan hawak nito ang suwelas na naalis sa kaniyang sapatos.
“5’4”/ 5’6” na ang height ng pinakamatigas na senator, inabot ng pagsurrender ang overworked na sapatos ni Senator Bato Dela Rosa,” ani Padilla sa kaniyang post.
Hirit pa ni Padilla, hinihingi raw niya ang nasabing nasirang sapatos ni Dela Rosa para ilagay sa museo ngunit hindi raw ito pumayag dahil ipapagawa pa raw ito ng kapwa senador.
“Hinihingi ko remembrance pang museo. Hindi daw at ipapagawa pa raw niya. Akala ko Bisaya itong si bato. Parehas ko pala itong Ilocano,” saad ni Padilla.
Parehong bahagi sina Padilla at Dela Rosa ng Duterte-wing party na PDP Laban.