Nagsalita na ang Kapamilya star na si Maris Racal kung bakit may twinning shoes sila ng katambal na si Anthony Jennings, na naispatan ng mga netizen na pareho nilang suot habang nagbabakasyon sa ibang bansa kasama ang "rumored couple" na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.
Sa panayam ng TV5 showbiz news reporter na si MJ Marfori sa "Opulence" event kamakailan, sinabi ni Maris na matagal na raw siyang may ganoong sapatos at nagkataon lang daw na mayroon din si Anthony.
"Actually nagkataon lang talaga na same kami ng shoes," natatawang sabi ni Maris.
"Natawa na nga lang ako sa nangyari kasi nagkataon lang talaga na 'yon yong sapatos namin, matagal na 'kong may gano'ng sapatos, like three years ago na 'yon, so 'yon, nagkasabay lang talaga," paliwanag pa ni Maris.
Matatandaang single na ang aktres matapos aminin ni Maris na break na sila ng boyfriend na si Rico Blanco, at si Anthony naman, ay hiwalay na rin daw sa non-showbiz girlfriend, ayon sa mga naglalabasang tsika, pero hindi pa ito kumpirmado. Hindi pa kasi nagsasalita tungkol dito sina Anthony at maging ang sinasabing "ex" niyang si Jam Villanueva.
MAKI-BALITA: Rico Blanco, Maris Racal hiwalay na!
MAKI-BALITA: Workmate ng ex ni Jam Villanueva, may 'inappropriate things' na ginagawa sa trabaho?
Nagsimula ang love team nina Anthony at Maris nang mag-click ang pair up nila sa "Can't Buy Me Love" na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
MAKI-BALITA: ‘Sapaw sa DonBelle?’ Chemistry nina Maris at Anthony, bet ng netizens