December 27, 2024

Home BALITA National

Marce, itinaas na sa ‘typhoon’ category; 12 lugar sa Luzon, nasa Signal #1

Marce, itinaas na sa ‘typhoon’ category; 12 lugar sa Luzon, nasa Signal #1
Courtesy: PAGASA/FB

Itinaas na sa “typhoon” category ang bagyong Marce na kasalukuyang kumikilos pa-west northwest sa silangan ng Baler, Aurora, ayon sa 11:00 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes, Nobyembre 5.

Base sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Typhoon Marce 590 kilometro ang layo sa silangan ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 150 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-west northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Dahil dito, itinaas na sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Batanes

Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands

Isabela

Ilocos Norte

Apayao

Abra

Kalinga

Mountain Province

Ifugao

Northern portion ng Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Bayombong, Solano, Quezon, Kasibu)

Northern portion ng Quirino (Diffun, Saguday, Cabarroguis, Aglipay, Maddela) 

Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)

“Minimal to minor impacts from strong winds are possible within any of the areas under Wind Signal No. 1,” anang PAGASA.

Posibleng mag-landfall ang bagyong Marce sa vicinity ng Babuyan Islands o sa hilagang bahagi ng mainland Northern Cagayan pagsapit ng Huwebes ng gabi, Nobyembre 7, o Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 8.

“Due to uncertainty in the strength of the high pressure area north of MARCE, the forecast track may still change and bring the landfall point to mainland Cagayan-Isabela area,” dagdag ng weather bureau.

Samantala, posibleng patuloy na lumakas ang bagyo at umabot sa “peak intensity” bago ang posibleng pag-landfall nito sa Babuyan Islands o Cagayan.

Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Biyernes ng gabi, Nobyembre 8, o Sabado ng madaling araw, Nobyembre 9.