"Kalokalike" o winner ang hatol sa contestant ng nabanggit na segment ng noontime show na "It's Showtime" sa kamukha ni Miss Universe 2015 at fashion icon Pia Wurtzbach-Jauncey.
Kamukha raw kasi ni Pia si "Glenn" ng Makati City, pero medyo kinulang nga lang sa height.
Tie sila ng Kalokalike naman ng social media personality at comedian na si "Pipay."
Pero itong si "Senyora" ay mukhang banas kay Kalokalike Pia, dahil nga nakuha nito ang hawigan ni Mrs. Jauncey.
Pero biglang bumanat din na tila hawig din ni Angelica Yulo.
"Parang mejo may pagka Angelica Yulo" sey ni Senyora.
Aliw naman ang komento rito ng mga netizen:
"Grabe ka Senyora hahahaha"
"Hawig nga hahaha..."
"Yes maganda naman din si Mommy Angge..."
"Anlayo, Senyora hahaha."
Si Angelica Yulo ang kontrobersiyal na madir ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.