Hindi pa man natatapos ang taon ay tila may nakikita na raw agad na hindi maganda ang fortune teller na si Rudy Baldwin sa darating na 2025.
Sa latest episode ng “Toni Talks” kamakailan, ibinahagi ni Rudy ang nakikita niyang prediksyon sa susunod na taon.
“Hindi ko siya ma-compare sa virus. I don’t know what to call it yet. Isa siyang hangin na may dalang bacteria. It so bad kasi ‘di ba do’n sa monkey pox…ito iba ‘to,” saad ni Rudy.
Bacteria siya na isa siyang sakit na para bang makumpara natin sa Bibliya. Nagsasara ng pinto kasi may papasok na hangin na nakakamatay. Parang gano’n,” wika niya.
Dagdag pa niya: “Ibang klaseng virus siya, Miss Toni. Nakakatakot. Kasi galing sa hangin, e.”
Ayon kay Rudy, bagama’t may nakikita raw siyang lunas sa nasabing sakit, nakikita raw niyang dumarami ito.
“Kumbaga parang naghe-heal na siya rito banda [sa kamay], mayro’n naman dito [sa braso],” aniya.
Pero hindi gaya sa Covid-19, hindi naman daw titigil ang mundo sa pagdating ng sakit na ito.
Matatandaang nakilala si Rudy sa mundo ng social media matapos tila magkatotoo ang ilan sa kaniyang mga prediksyon tulad ng pagdating ng mga sakuna.
At dahil umano sa taglay na pambihirang kakayahan, hindi raw maiwasang mapagkamalan siyang baliw.
MAKI-BALITA: Rudy Baldwin, minsan nang napagsabihang baliw