Ibinahagi ng isa sa mga miyembro ng nation’s girl group na BINI na si Maloi Ricalde ang artistang pangarap niya raw makaeksena in the near fuutre.
Sa latest episode ng “On Cue” nitong Lunes, Nobyembre 4, pinangalan ni Maloi ang nasabing artista at handa pa nga raw siyang masampal nito.
“Miss Maricel Soriano. [...] Gusto kong masampal ni Miss Maricel. Okay lang kung masampal niya ako. It’s an honor,” saad niya.
Pero sa ngayon, magpa-practice daw muna si Maloi dahil hindi pa raw siya handang makaeksena ang batikang aktres.
Samantala, bukod kay Maricel, naghayag din siya ng paghanga sa talento nina Alessandra De Rossi, Bela Padilla, at JC Santos.
Matatandaang minsan nang sinubukan ni Maloi ang sining ng pag-arte nang gumanap siya sa official music video ng “Dilaw” ni Maki.